La Verti Residences

Experience La Verti Residences

Bedroom - La Verti Residences Condo for Rent
Bedroom | La Verti Residences Condo for Rent
Ang dating payak na pamumuhay ng mga tao sa bansa ay unti unting nabago dahil sa pag-unlad at pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ang dating kalesang gamit bilang transportasyon ay isa na lamang ngayon sa mga makasaysayang sasakyan na ginamit noong unang panahon. Sa kasalukuyan, nagkalat na ang mga bus, jeepney, LRT at MRT (sa lungsod ng Maynila), tricycle at mga pribadong sasakyan sa lansangan. Ang bahay kubo noon na kadalasang tirahan ng mga pinoy, ngayon ay mga apartment na at naglalakihang condominium unit na.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ang ilan sa ating mga kababayan ay hirap pa ring makisabay sa agos ng pagbabago. Ngunit, karamihan sa atin ay tuluyan na ngang natanggap ang makabagong at mas madaling paraan ng pamumuhay.

Kasabay din ng pag-unlad, ang patuloy na pagtayo ng mga makabagong gusali, infrastraktura gaya ng condominium unit at apartment na hango sa mga tahanan sa ibang bansa.  Sa ngayon ay nagkalat ang iba’t ibang kompanyang pabahay sa mga lungsod maging sa ibang parte ng probinsya. Ngunit sa kanilang lahat, kanino nga ba tayo lubusang ipagkatiwala ang ating buhay at panagarap?

Hatid ng DMCI homes ang modernong tahanan para sa bagong simula ng mga Pilipino sa panahon ng  makabagong teknolohiya. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na maranasan ang matiwasay at maayos na pamumuhay, mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mahal sa buhay at mabigyan din ng siguradong kinabukasan. Dahil mahal ng DMCI homes ang bawat pamilyang Pilipino, handog nito ang La Verti Residences. Ang modernong arkitektura at disenyo ng nasabing residence ay tiyak na kagigiliwan ng bawat pamilya. Ang La Verti ay hango sa Italian word na ang ibig sabihin ay “green and vertical.”Bagamat makabago at moderno, malalanghap pa rin ang halimuyak at matatanaw pa rin ang ganda ng kalikasan. At dahil sa kapalit nito ang mga bigating paaralan at unibersidad sa lungsod, magandang lokasyon rin ito para sa mga studyanteng balak mag-aral sa siyudad. Maari nila itong gawing pangalawang tahanan dahil sinisiguro ng kompanya na feel at home ka dito. Kung ang hanap mo ay siguridad at tahimik na tahanan, dito sa La Verti doble ang siguridad na kanilang nilalaan sa kanilang mga kliyante at siguradong makakapag-relax ka dahil sa mala “Garden of eve” ang iyong matatanaw tuwing bubungan sa balkonahe ng kanilang twin-tower building. Tiyak naman ang bonding moments ng buong pamilya dahil sa malawak na lugar kung saan makikita ang mala-kristal na ganda ng kanilang swimming pool. Ang makulay at kakaibang disenyo naman ng bawat kwarto ay siguradong ikatutuwa ni bunso. Sa murang halaga ng bawat unit, hindi mahihirapan ang pamilyang mag-budget para sa magandang kinabukasan ng buong pamilya at mayroon pa silang panahon o oras upang mag-picnic sa sikat na sikat na Manila Bay at sabay-sabay nilang panoorin ang paglubog ng araw at harapin ang panibagong hamon ng kinabukasan.

Tayo na sa DMCI homes, at sabay-sabay nating maranasan ang modernong pamumuhay sa maunlad na lungsod, makabagong tekonolohiya sa makabagong henerasyon at patuloy na makita ang ganda at halina na dala n gating mahal na kalikasan.